Menu

Araw ng Pagtatalaga 2017, ginanap

Nina: Maribeth D. Soberano at Jessa Kristine Posadas

Ginanap ang Araw ng Pagtatalaga ng mga mag-aaral ng iba’t ibang samahang pampaaralan, guro at mga magulang sa pangunguna ni Congw. Imelda “Emi” Calixto-Rubiano noong Setyembre 22, 2017 sa KNHS Quadrangle, taong panuruan 2017-2018.

Nakiisa ang buong pamunuan ng paaralan sa pangunguna na butihing Punungguro, Gng. Emilia L. Tolentino at ang kanyang mga kaagapay na Assistant Principal na sina Dr. Mark Anthony F. Familaran, Junior High School at Bb. Garde Cleofe. Dinaluhan rin ito ng mga opisyales na sina Brgy. Chairman James Bontilao, at Kagawad Zenaida Abad upang masaksihan ang nasabing gawain. Ang bawat samahang pampaaralan ay nakilahok gaya ng sa pangunguna ng Supreme Student Government (SSG), KNHS- Dramaturge, SAMAF, Teatro Lumad Malaya, Ang Bantayog, Ivory of Democracy, Boy Scout of the Philippines, Girl Scout of the Philippines, English Club, Social Studies Club at ESP Club. Kasama tin nanumpa ang General Parents and Teachers Association (GPTA) at Faculty and Employee Association (FEA).

Isa sa mga highlights ng nasabing gawain ay ang pagkilala sa pinakamagandang banner na masusing sinuri ng mga hurado. Hinirang ang Girl Scout of the Philippines at KNHS Dramaturge at Boy Scout of the Philippines bilang may pinakamagandang banner.