Menu
Philippine Standard Time:

AWIT NG SERBISYO SIBIL

Ang SERBISYO SIBIL ng Bayan ko
Lingkod na tunay ngayon at kailanman
Laging tumutulong , laging nagpapayo
At sa kawani ay siyang patnubay.

Ang SERBISYO SIBIL ay tanghalin
Ito ay ating dakilain
Maging tapat tuwina sa ating tungkulin
Paglingkuran lagi Bayang giliw.

Ang SERBISYO SIBIL ay lingkod na tangi
Tayo na’t ito’y ating ipagbunyi,
MABUHAY!!!

Ang SERBISYO SIBIL ng Bayan ko
Lingkod na tunay ngayon at kailanman
Laging tumutulong , laging nagpapayo
At sa kawani ay siyang patnubay.

Ang SERBISYO SIBIL ay tanghalin
Ito ay ating dakilain
Maging tapat tuwina sa ating tungkulin
Paglingkuran lagi Bayang giliw.

NCR HYMN

Bayang mahal nating lahat
tampok ng NCR
pusod nitong ating bansa
dulot kaunlaran

Taas noong iwagayway
ang bandila ng NCR
karunungan at katarungan
sa bansa ay itanghal

Mga lunsod ng NCR
sa puso ko’y dangal
ang adhikain isulong
ang tanging NCR

Chorus:
NCR, NCR dangal nitong bayan
NCR, NCR dangal nitong bayan

Mga lunsod ng NCR
sa puso ko’y dangal
ang adhikain isulong
ang tanging NCR

Chorus:
NCR, NCR dangal nitong bayan
NCR, NCR dangal nitong bayan

PASAY CITY HYMN

Mabuhay! Lungsod ng Pasay
Perlas ng Kamaynilaan
Hangad ay Kaunlaran
Sa Lahat ng Larangan


Mabuhay! Lungsod ng Pasay
Dungawan ng Sandaigdigan
Ugaling Mapagtanggap
Ng Tunay na Mamamayan


Pasay! Mahal Kong Bayan
Sa Puso’y Nag-iisa
Pasay, Dakilang Bayan
Pasay, Mabuhay Ka!


Ang Lahat ay Makadiyos,
Makabansa, Makatao,
Masipag, at Mapagmahal
Ang Tunay na Pasayeño


Pasay! Mahal Kong Bayan
Sa Puso’y Nag-iisa
Pasay, Dakilang Bayan
Pasay, Mabuhay Ka!


Pasay! Mahal Kong Bayan
Sa Puso’y Nag-iisa
Pasay, Dakilang Bayan
Pasay, Mabuhay Ka!


Pasay…Mabuhay…Ka!

KALAYAAN NATIONAL HIGH SCHOOL HYMN

KNHS, ang kasibulan ng kagandang asal
Maka-Diyos, maka-tao, sa pag-ibig ay basal
Pagiging makabansa’t makakalikasan,
Ang siyang tunay na iiral sa tanang Kalayaan.

Isang mithiin, Isang kapisanan, lahat ay nagkakaisa
Hawak-kamay, tayo’y susulong tungo sa pag-asa
Lukob ng karunungan ang gabay at sandigan.
KNHS, bigyang buhay ang pangarap ng kabataan.